National News
Appointment ni VP Robredo sa ICAD, “second win” ng war on drugs – ACT-CIS Rep. Taduran
Umaasa si ACT- CIS Rep. Niña Taduran na ang appointment ni Vice President Leni Robredo sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD ay magiging “second win” ng administrasyon sa kampanya kontra droga.
Ani Taduran, magbibigay ng bagong pananaw sa war on drugs ang pag-upo ni Robredo sa ICAD.
“In solving complex problems like illegal drugs, sometimes what is needed is a fresh perspective, and this is exactly what the Vice President is bringing to the table,” wika ni Taduran.
Aniya, marami nang magagaling at may kasanayang opisyal ang nagpapatakbo ng kampanya kontra droga, at puro din mga lalaki, subalit andyan pa rin ang problema.
Punto pa ni taduran na mismong si pnp spokesperson pbgen bernard banac ay nagsabi na magiging inspirasyon ng pambansang pulisya ang bagong mandato ng bise- presidente.
Sa huli, bilang babaeng public servant, hangad ni Taduran ang tagumpay ni VP Robredo sa war on drugs. “naturally, being a fellow female public servant, I am praying for the success of the Vice President” wika pa ni Taduran.
MJ Mondejar