National News
Mandatory hair follicle drug test, ipinanukala para sa mga pulitiko
Inihain ngayon ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang House Bill 10744 na layong magpatupad ng ‘mandatory random drug test’ sa lahat ng appointed at elected government officials sa buong bansa.
Sakop ng panukala ang pangulo ng Pilipinas pati na ang mga kukuha ng driver’s license, mga kawani pribado at pampublikong tanggapan lalo na mga taga Government-Owned and Controlled Corporation (GOCCs).
Ipinapanukala na sumalang ang mga ito sa hair follicle drug test at urine drug test naman para sa confirmation.
Isinasaad din ng panukala na dapat gawin ito sa lahat ng mga taga-gobyerno kada-anim na buwan.
Ayon kay Cong. Duterte, marapat lamang na patunayan ng mga taga-gobyerno na sila’y sumusunod sa batas sa pamamagitan ng pagpapa-drug test.
“It is imperative that public officials and government employees should be the very first to uphold such a Constitutional mandate by submitting themselves towards accountability measures that serve as a tool in addressing the fulfillment of this mandate.”
Saad din ng kongresistang Duterte na ito ang nakasaad sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at hindi exempted dito ang mga taga-gobyerno.
Para kay dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, lalong tumitindi ang panawagang drug test kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Lalo na ngayon at may legislative action na para ipanawagan na sumalangi to sa hair follicle test.
Sabi pa ni Cruz-Angeles, malinaw na nakasaad sa Saligang Batas ang transparency sa mga taga-gobyerno.
Kaya mahalagang tumugon ang mga ito sa panawagang sumailalim sa drug test.