COVID-19 UPDATES
Manggagawang apektado ng ECQ, umabot na sa isang milyon
Patuloy pang nadagdagan ang mga manggagawang apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa rekord ng Department of Labor and Employment (DOLE), umaabot na sa isang milyon ang apektado ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa DOLE, maliban sa pagkakasakit, maraming mga trabahador ang nawalan ng kabuhayan dahil sa community lockdown.
Karamihan umano sa mga ito ay nanggaling sa Metro Manila, habang pangalawa ang Central Luzon.