Connect with us

Manila flights – Hong Kong at Singapore o vice versa, madagdagan na

Manila flights - Hong Kong at Singapore o vice versa, madagdagan na

National News

Manila flights – Hong Kong at Singapore o vice versa, madagdagan na

Ito’y kasunod sa pag-anunsiyo ng Air Asia Philippines na muli nilang bubuksan  ang flight papunta at pabalik ng Hongkong at Singapore mula Manila ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon kay Air Asia Spokesperson Steve Dailisan, simula ngayong December 4, magkakaroon na ang Air Asia’s ng weekly Manila-Singapore flight Z2-825 tuwing araw ng Sabado, na aalis mula Ninoy Aquino International Airport Terminal-3 nang 8:00 AM at 11:40 AM naman ang inaasahang lapag nito patungong Changi Airport.

Habang ang biyahe naman nito mula Manila patungong Hongkong ay aalis tuwing araw ng linggo na sisimulan sa December 5.

Ang flight Z2-1264 mula NAIA Terminal 3 ay lilipad ng  8:35 AM at inaasahang lalapag ito sa  Hong Kong International airport ng  10:55 AM.

Sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), naiulat na as of June 2021, may 165,000 OFWs sa Hong Kong at 30,000 na mga kababayan natin ang nasa  Singapore.

Inilagay ng Pilipinas ang Hongkong sa category ng green list, ibig sabihin ang mga dumarating na pasahero galing Hongkong na fully vaccinated ay hindi na nirerequire na sumailalim sa quarantine pero kailangan nito ng negative RT-PCR na kinuha sa loob ng 72 hours.

Ang Singapore naman ay inilagay sa yellow list ibig sabihin ang mga fully vaccinated naman na mga pasahero galing singapore ay kailangan sumailalim sa 5-day quarantine hanggang ma i-release ang RT –PCR test result nito.

Maari naman ipagpatuloy ang kanilang quarantine na gagawin sa kanilang pamamahay.

Bilang pagdiriwang sa muling pagbabalik ng flights ng Air Asia sa Hongkong at Singapore, iniaalok ng naturang airlines ang maagang Christmas treat nito sa mga OFW ang ‘Airasia Balikbayan Package’.

Sa pamamagitan ng paggamit ng promo code BLKBYN10, ang mga manlalakbay ay maaring mag enjoy sa 10% off na biyahe mula Manila patungong Singapore o vice versa.

Maari namang mag-book ngayon hanggang November 21 na may travel dates na December 4 – March 26, 2022.

Makakatanggap din ang mga manlalakbay ng 10% discount para sa booking na ginawa ng hanggang November 14 para sa flights mula December 5 – March 22, 2021  na papunta at pabalik ng Manila –Hongkong.

Marami pang mga discount sa leisure travel na binuksan, pinapayuhana ang mga pasahero na alamin ang mga requirements bago magtungo sa bansang pupuntahan.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top