National News
Manila-France direct flights, malapit nang masimulan
Malapit nang masimulan ang direct flights sa pagitan ng Manila at France.
Sa inisyal na anunsyo, magiging available ang flights tuwing Martes, Huwebes at Linggo simula Disyembre 8, 2024.
Ang Air France KLM naman ang mag-ooperate ng flights na tinatayang aabot ng 14 na oras.
US$1,258 ang panimulang fare rate ngunit mag-aalok rin sila ng promotional fares pagdating ng panahon.
Sa panig ng Department of Transportation (DOTr), nakahanda ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa magiging dagsa ng mga pasahero na interesadong bibyahe sa France.