Connect with us

Manny Pacquiao, ipinangakong gagalingan ang laban vs DK Yoo

Manny Pacquiao, ipinangakong gagalingan ang laban vs DK Yoo

National News

Manny Pacquiao, ipinangakong gagalingan ang laban vs DK Yoo

Ipinangako ni Filipino Boxing Champ Manny Pacquiao na hindi magiging madali para kay Korean Youtuber DK Yoo ang magiging laban nila sa Seoul, South Korea ngayong Disyembre.

Ito’y kahit ang layunin ng laban ay makalikom ng pera para maitulong sa mga pamilyang apektado ng digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Aniya, gagawin nIya pa rin ang nakasanayang training para maibigay nIya ang kanyang 100% sa ring.

Para na rin aniya makatulong pa siya ng mas maraming tao sa pamamagitan ng naturang boxing match.

Samantala, binigyang-diin ni Pacquiao na pumayag siyang maglaro muli ng boxing dahil isa itong charity event.

Matatandaang September 2021 nang inanunsyo nito na magreretiro na siya sa boxing.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top