Connect with us

Manny Pacquiao, sasabak na naman sa isang boxing match sa 2023

Nakatakdang sumabak sa isa pang boxing match si dating senador at Filipino champ Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Sports

Manny Pacquiao, sasabak na naman sa isang boxing match sa 2023

Nakatakdang sumabak sa isa pang boxing match si dating senador at Filipino champ Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Batay sa ulat, makakalaban niya dito si undefeated French superstar Jaber Zayani sa Saudi Arabia.

Inanunsyo na rin ito mismo ni Zayani at sinabi pa niya na siya ang nagtungo kay Pacquiao at humiling na makaharap ang Filipino champ sa isang boxing match.

Ani Zayani, ang magiging laban nila ni Pacquiao ang magsisilbing break para sa kanya at posibleng magiging daan upang magkaroon ito ng pangalan sa mundo ng boxing.

Samantala, bago ang magiging laro ni Pacquiao kay Zayani sa 2023, nakatakda ring makalaban ng Filipino champ ang South Korean Youtuber na si DK Yoo ngayong December 10.

Kung matatatandaan, taong 2021 nang inanunsyo ni Pacquiao na magreretiro na ito sa boxing bago tumakbo bilang pangulo ng bansa nitong May 9, 2022 national at local elections.

More in Sports

Latest News

To Top