Connect with us

Maraming bakuna, ipapadala sa CDO sa gitna ng banta ng Delta variant

Magpapadala ng libo-libong bakuna ang National Task Force Against COVID-19 sa Cagayan de Oro City dahil na rin sa banta ng Delta variant ng coronavirus.

National News

Maraming bakuna, ipapadala sa CDO sa gitna ng banta ng Delta variant

Magpapadala ng libo-libong bakuna ang National Task Force Against COVID-19 sa Cagayan de Oro City dahil na rin sa banta ng mas nakakahawang Delta variant ng coronavirus.

Sa liham ni NTF on COVID-19 at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez sa city government, nakumpirma na nasa 30,029 doses ng Sinovac at  20,523 ng Johnson & Johnson vaccines ang ipapadala sa CDO.

Nagpasalamat naman si Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kay Sec. Galvez dahil sa bagong suplay ng mga bakuna lalo pa’t may kaso na ng Delta variant sa siyudad.

“I thank Sec. Galvez for giving more allocation of vaccines to CDO which continues to have high incidences of Covid-19 cases and the recent discovery of the Delta variant,” ani Rodriguez.

Sa ngayon ay nasa 3,000 pa lamang kada araw ang average vaccination rate sa CDO at umaasa ang city government na makamit ang 5,000 daily vaccination rate.

Samantala, pinasalamatan naman ni Rodriguez ang DSWD sa pagbibigay ng family food packs at P6,000 cash assistance sa bawat pamilya sa CDO.

Ayuda ito mula sa national government matapos isalang ang siyudad sa Enhanced Community Quarantine o ECQ dahil sa delta variant.

More in National News

Latest News

To Top