National News
Marbil, nanahimik na sa usapin kay VP Sara
Kapansin-pansin ang biglaang pananahimik ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil dahil sa hindi na nya nagsasalita patungkol sa mga isyung may kinalaman kay Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito ng inalabas na open letter ni VP Sara na kumukondena sa panghaharass ng PNP sa bise president.
Una na rito ang walang paalam na pagtatanggal ng 75 na police personnel sa tanggapan ni VP Sara, pagsisinungaling na walang banta sa buhay nito, at tila surveillance sa kanyang pamilya.
Sa panayam sa tagapagsalita ng PNP na si Police Colonel Jean Fajardo, hindi na raw sasagutin ni Marbil ang isyu dahil nakatuon na ito sa pagtulong sa mga biktima ng nagdaang kalamidad.
Sa ngayon ani Fajardo, mas pipiliin nalang ng PNP na resolbahin ang isyu sa tahimik na pamamaraan.
“The Chief PNP opted not to answer na lang kung ano man yung nabitawang salita ng ating Vice President of course out of respect to our VP. Kung ano man itong mga usapin na ito, we rather address this silently,” saad ni Fajardo.
Ang problema kasi, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang totoong dahilan ng pag aalis ng security detail ni VP Sara at naiwan lamang ang mga pulis na mismong ang PNP ang pumili.
Bagay na una nang tinawag na sinungaling si Marbil dahil sa mga tagpi tagpi nitong palusot at dahilan.
Pahayag ni VP Sara, “Subalit tila nakatatlong interview ka na patungkol sa akin. Sa isang banda, naiintindihan ko kayo sapagkat natural lang sa mga nagsisinungaling na magkaroon ng sari-saring kwento at dahilan. Pero hindi ko na maatim ang tuloy-tuloy na panlilinlang sa aking mga kababayan”.
“Ngunit may problema ako sa mga kasinungalingang ipinapahayag sa taumbayan — lalo na kung ang mga kasinungalingang ito ay mula mismo sa pinakamataas na opisyal ng kapulisan.”
Nauna na ring kinondena ng batikang abogado na si Atty. Harry Roque ang tinuran ng PNP dahil ang bise presidente bilang pangalawa sa pinamakataas na posisyon ng bansa ang siya lamang may karapatan na pumili ng mga pulis o security na may trust at confidence ang pangalawang pangulo.
“Alam mo ang seguridad kapag hindi mo pinagkakatiwalaan ang taong nagbibigay ng seguridad, ay wala ka ring seguridad. So, ang importante, hindi lang mayroong tao na nagtalaga na magbantay sayo kung hindi mas importante na pinagkakatiwalaan mo yung mga taong nagbabantay sayo,” komento ni Roque.
Ibinabala rin ni Atty. Roque na si Marbil ang posibleng managot sakaling may mangyaring hindi maganda sa bise presidente kasunod ng desisyon nitong alisan ng security detail nito.
Samantala, dahil sa naranasan kalupitan ng pangalawang pangulo sa PNP, mismong ang grupong Moro National Liberation Front o MNLF na ang nagpaabot ng kanilang pagsuporta kay VP Sara at handa ang grupo na maglaan ng security detail para sa pangalawang pangulo.