Showbiz
Marcelito Pomoy, bigong masungkit ang kampeonato sa America’s Got Talent
Nagkasya lang sa ika-apat na pwesto ang pinoy singer na si Marcelito Pomoy sa katatapos lang na grand finals ng America’s Got Talent: The Champions.
Sa naturang grand final, inawit ni Pomoy ang “Beauty and the Beast” na kinanta Nina Celine Dion at Peabo Bryson.
Labis naman ang pasasalamat ng isa sa mga judges na si Heidi Klum sa napakagandang finale performance ni Pomoy na itinuturi nitong champion.
Magugunita na ilang beses na nakatanggap ng standing ovation si Pomoy mula sa audience at mga judge na si Simon Cowell, Howie Mandel, Heidi Klum at Alesha Dixon dahil sa dual-voice nito.
Itinanghal naman bilang kampeon ng America’s Got Talent: The Champions ang dance crew na V. Unbeatable.
Panoorin ang naging performance ni Pomoy: