Connect with us

Marcos admin, malabong magtagumpay sa war on drugs – anti-crime group

Marcos admin, malabong magtagumpay sa war on drugs – anti-crime group

National News

Marcos admin, malabong magtagumpay sa war on drugs – anti-crime group

Gumulong na sa Senado ang imbestigasyon kaugnay ng umano’y pagkakasangkot ni Pangulong Bongbong Marcos sa iligal na droga.

Dito, walang takot na inihayag ng dating PDEA agent na si Jonathan Morales ang kanyang nalalaman patungkol sa ibinigay na impormasyon ng confidential informant kaugnay ng sinasabing paggamit ng isang “alyas Bonget” ng white powdery substance kasama ang artistang si Maricel Soriano sa isang condo unit sa Rockwell Makati City.

Dahil dito, nababahala ang grupong Lead Convenor, Adviser, TAPS Coalition, Region 3  dahil, giit nila, pangulo na ng bansa ang mismong sangkot dito.

“Nakakabahala ‘yun isang malaking pagkabahala sa amin na dapat ito ay mabigyan ng tuldok at ma-clear dahil hindi siya pwedeng mamuno kung hindi mabigyan ng clearance ang kanyang pangalan.”

“Dahil hindi niya pwedeng labanan o sugpuin ang isang malaking problemang ito sa ating bansa ang droga kung siya mismo ay naku-question ang kanyang integridad patungkol dito,” ayon kay Vice Pres. for operations ng grupong Lead Convenor, Adviser, TAPS Coalition, Region 3, Edwin Maniti.

Ayon kay Edwin Maniti, Vice Pres. for operations ng grupong Lead Convenor, Adviser, TAPS Coalition, Region 3 , patunay nito ang patuloy na pagtaas ng naitatalang krimen ngayon sa bansa.

“Regarding sa question mo kung tumaas ang crime index eh tumataas sa ground.”

“Kami na na nandito sa ground sa grass roots nararamdaman namin na tumataas ang crime at lalo na ang drugs.”

“Kapag ikaw ay naglalakad ng gabi makikita mo na lantaran ang mga bilihan ng mga droga,” dagdag pa nito.

Kaya naman hindi maiwasan ng grupo na ikumpara ang kasalukuyang administrasyon at ang panahon noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sa comparison po talagang ang ating pangulo dati talagang 101% ang kanyang war on drugs at wala siyang sini-sino wala siyang tinatangi ‘dun sa kanyang polisiya na sugpuin ang malaking problemang ito sa ating lipunan,” ani Maniti.

Hindi rin nakikita ng grupo na seryoso ang Marcos administration pagdating sa usapin ng iligal na droga.

“Wala, wala akong nakikitang serious I’m sorry to say this pero wala akong na… unang-una dun nalang sa pagkakahuli dun sa sinasabi nilang napakalaking bulto ng drugs doon sa Alitagtag, Batangas eh maraming question po doon noh,” aniya.

Kaya naman hamon ngayon ng grupo kay Pangulong Marcos, sumailalim ito sa isang honest drug tests.

“Sa tingin ko ang pinakamagandang gawin ng ating pangulo dito ay magkaroon ng isang honest to goodness na drug test sa kanya at nang sagayon maalis ang pagdududa ng mga tao,” saad pa ni Maniti.

Maliban dito, iminungkahi din nila na dapat isama sa requirements sa mga kakandidato tuwing election ang drug testing.

“Yes, definitely actually ‘yan ang isa sa dapat kailangang baguhin ng ating Saligang Batas, kailangan idagdag ang requirement na ito sa lahat ng mga papasok sa public sa public service sa mga kandidato mula sa pinakamataas hanggang sa pinaka mababang posisyon ng gobyerno lahat sila ay mag submit ng honest drug test,” pahayag pa nito.

Ang grupong Lead Convenor, Adviser, TAPS Coalition, Region 3 ay nabuo noong taong 2016 kasabay ng pagtakbo sa pagkapangulo ng nooy mayor ng Davao na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

More in National News

Latest News

To Top