Connect with us

Marcos admin, walang kasalanan sa pagbaba ng halaga ng piso – economist

Marcos admin, walang kasalanan sa pagbaba ng halaga ng piso – economist

National News

Marcos admin, walang kasalanan sa pagbaba ng halaga ng piso – economist

Walang kasalanan ang Marcos administration hinggil sa pagbaba ng halaga ng Philippine peso.

Ang dahilan dito ayon kay Go Negosyo founder at dating Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ay ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

“Ang nangyari dito, siyempre ‘yung America. They’re very sensitive when it comes to inflation kasi ayaw nilang talagang tumaas ‘yung inflation. So, ang ginawa nila and being an economis, ang remedio diyan is to increase interest rates. Habang tumataas ‘yan, ‘yung ibang countries katulad ng Pilipinas sa Asia at ibang mundo are also increasing but some of us cannot increase at that level kasi ang tatamaan diyan ang maliit na negosyante dito sa Pilipinas. So lahat ng currencies ay bumabagsak ang value,” ani Concepcion.

Dagdag pa ni Concepcion, dahil nagkakagulo na ang supply chain ay itinaas na rin ng Estados Unidos ang ipinapataw nila na interest rates upang hindi tumaas ang kanilang inflation.

“And to this administration ni Ferdinand Marcos, walang kasalanan itong tungkol sa Philippine peso. Ang problema talaga simply lang to eh, ‘yung giyera sa Russia, Ukraine ang nagbigay ng malaking problema. The entire supply chain has been disrupted worldwide, one of the biggest 20% of the week comes from Russia and Ukraine at ang iba pang katulad ng krudo ang oil lahat niyan. When the war happens there, whole supply chain naging problema. So, everybody started to hold back, kaya’t tumataas itong ibang mga commodities natin,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, ang P57.00 ng Pilipinas ay katumbas ng isang dolyar sa Estados Unidos.

More in National News

Latest News

To Top