National News
Marcos Jr. admin, bulag sa katotohanan– KOJC
Babawiin ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang kanilang suporta sa Marcos Jr. administration.
Ito ang binigyang-diin ni KOJC Executive Secretary Sis. Nori Cardona sa talumpati nito sa harapan ng KOJC missionaries sa KOJC compound, Davao City, araw ng linggo, Setyembre 8, 2024.
Dahilan nito ang hindi pagtugon ng pamahalaang Marcos Jr. sa mga kawalang hustisya na nararanasan ng KOJC mula sa abusadong kamay ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna nina PNP Chief Police Gen. Rommel Marbil, at PRO-11 Regional Director Nicholas Torre.
Ayon pa kay Sis. Nori, hindi na karapat-dapat na pagkatiwalaan ang Marcos Jr. admin matapos itong magbulag-bulagan sa mga pang-aabusong ginagawa ng mga opisyal nito sa mga karapatan ng taga-KOJC mula sa kalayaan sa pagsamba, kalayaan sa edukasyon at pagkakaroon ng mapayapang komunidad.
Sa ngayon, hindi na mabilang ang mga biktima ng trauma sa ginawang paglusob ng mga pulis sa KOJC Compound.