Connect with us

Marcos Jr. admin, hulog ng langit sa mga komunistang terorista – former NTF-ELCAC spox

Marcos Jr. admin, hulog ng langit sa mga komunistang terorista – former NTF-ELCAC spox

National News

Marcos Jr. admin, hulog ng langit sa mga komunistang terorista – former NTF-ELCAC spox

Pinaboran ng Korte Suprema si dating Bayan Muna Congressman Siegfred Deduro.

Si Deduro ay tinukoy ng mga dating kadre bilang ranking officer ng CPP-NPA-NDF.

Mismong mga taga-militar rin ang nagtukoy kay Deduro bilang kalaban ng pamahalaan.

Subalit, binaliktad ng Supreme Court ang desisyon ng Iloilo Regional Trial Court (RTC) laban kay Deduro at pinagbigyan ang hirit nito na petition for writ of amparo matapos raw mabiktima ng red-tagging.

Subalit, ang founder ng CPP-NPA-NDF na si Joma Sison ang mismong nagtukoy sa Bayan Muna bilang legal front ng mga kalaban ng gobyerno.

Giit ni Sison, sadyang binuo ang Bayan Muna na ngayon ay isang party-list organization kasama ng ACT-Teachers, Gabriela at Kabataan para pasukin ang pamahalaan sa legal na paraan.

Kaya para sa isang dating tagapagsalita ng government task-force kontra communist terrorist groups (CTG), nakapanlulumo ang desisyon ng Korte Suprema.

“The worst! It goes beyond the pale and this decision, in my opinion, endangers the lives, the liberties, and security of the Filipino people because what we are up against is the 15th deadliest terrorist organization in the world,” ayon kay former NTF-ELCAC Spokesperson, Dr. Lorraine Badoy.

Nauna nang idineklarang terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC) na terrorist organization ang CPP-NPA, kung saan ani Badoy ay bahagi ang Bayan Muna.

“Pag-usapan natin ng paulit-ulit kung ano ang ginawa ng CPP-NPA-NDF at mga prente nila sa pamilya Pilipino. Napakaraming pamilya nagdurugo ang puso,” dagdag pa nito.

Subalit ani Badoy, kahit negatibo ang epekto ng Supreme Court decision, ay marami nang Pilipino ang gising na sa katotohanan kontra CPP-NPA-NDF.

Bunga ito ng information campaign ng militar at pro-government news networks gaya ng SMNI.

Si Badoy ay dating main anchor ng TV program na ‘Laban Kasama ang Bayan’ sa SMNI na ilang taong tinutukan ang information war laban sa mga komunista.

“Patayin ako ngayon nasabi ko na ‘yung totoo, naka-plant na, lumipad na ‘yung katotohanan no. Para siyang nasa preso at lumipad na siya at pumunta na siya sa puso ng bawat Pilipino at nakikita ko na mulat na mulat na ang Pilipino ngayon,” ani Badoy.

Sa huli, nang matanong kung naging tapat ba si Pangulong Bongbong Marcos sa laban kontra komunista, narito ang sagot ni Badoy…

“Ang Marcos administration ay heaven a sent ‘yan sa CPP-NPA-NDF. ‘Yan ‘yung ipinagdarasal ng CPP na dumating sa kanila dahil nabubuhay sila at pinapalakas sila ng administrasyong ito,” aniya.

More in National News

Latest News

To Top