Connect with us

Marcos Jr. admin, mas malala sa Marcos Sr. admin

Marcos Jr. admin, mas malala sa Marcos Sr. admin

National News

Marcos Jr. admin, mas malala sa Marcos Sr. admin

Sa paglawak ng mga nagaganap na opresyon ng kasalukuyang administrasyon, iba’t ibang sektor na ang nagsama-sama sa panawagang makiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa taumbayan at hindi sa mga nasa kapangyarihan.

“During the Marcos administration Sr. nabuhay ang MNLF, nagkaroon ng resistance para mapigilan ang pagsusupil ng gobyerno lalong lalo na sa Moro territories, mas complicated ito mas worst ang nangyayari sa Jr.” ayon kay MNLF Davao State Chairman, Aziz Monk Olamit.

Isa lamang si Aziz Monk Olamit, MNLF Davao state chairman sa marami pang sektor ng lipunan sa bansa ang tila di na makatiis sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng kasalukuyang administrasyon.

Halimbawa na lamang aniya dito ang pagpapa-relieve ng halos 40 Davao police personnel at pagde-deploy ng 2 batalyong Special Action Force (SAF) troopers isang linggo na ang nakakaraan.

“Braso na to, either this is a political or a personal vendeta or cleansing politically to erase the Duterte in this coming election,” saad pa nito.

Sinabi naman ng law expert na si Atty. Mark Tolentino, dapat may clearance mula sa alkalde ng isang bayan o siyudad ang ganitong hakbang ng PNP.

“Under the law kasi Ka Eric, ‘yung mayor dapat may consent kung sino ‘yung maging leaders ng kapulisan sa kaniyang bayan so very clear ‘yan so pag-deploy ng dalawang batalyon, kailangan with a clearance ng elected officer meaning the mayor ng Davao kasi siya ang representative ng taumbayan,” ayon naman kay Law Expert, Atty. Mark Tolentino.

Dagdag pa ni Tolentino, dapat ay may malinaw rin aniyang basihan ang pagde-deploy ng 2 batalyong SAF troopers.

“May threat ba diyan sa Davao, may violence ba, may panggugulo ba? kung wala anong basihan?”

“Hindi pwede nating ma-deny na papunta ‘yan sa away ni Duterte at Marcos thats why ‘yung spokesman ng PNP, ang masasabi ko lang tell that to the marines,” dagdag pa ni Atty. Mark Tolentino.

Paki-usap naman ni Ka Nick Elman na dating Kilusang Mayo Uno (KMU) spokesperson ng Marcos Sr. administration…

“Sa bahagi naman ng mga military at mga pulis, pakiusap ko lang na gusto natin ng kapayapaan, gusto natin ng pag-babago, ayaw natin ng bloodshed.”

“Noong panahon ni Digong president Mayor Duterte, ang unang unang kaniyang inisip ay kung papaano tulungan ang military at binigyan ng sapat at karampatang sweldo at benepisyo pati pulis kasama so makikita mo sinserity ni President Digong kung papano niya gustong mahalin ang ating bansa,” pahayag ni KMU, Former Spokesperson, Anti-Marcos Labour Leader, Ka Nick Elman.

Dagdag pa ni Ka Nick, ang natatanging pag-asa nalamang para maipag-patuloy ang magandang pamamahala ng gobyerno ay hindi ang kasalukuyang mga pulitiko, kundi ang mga militar, kapulisan at mga Pilipinong magkakaisa sa layuning ipagpatuloy ang magandang sinimulan ng Duterte administration.

“At gusto natin mailigtas ang ating bansa laban sa kapangyarihan ng mga dayuhang oligarko at dayuhang may kapangyarihan sa buong mundo, with all due respect yes,” ani KA NICK ELMAN.

More in National News

Latest News

To Top