Connect with us

Marcos Jr. admin, pinasusumite ng SC ng original GAB at enrolled bill

Marcos Jr. admin, pinasusumite ng SC ng original GAB at enrolled bill

National News

Marcos Jr. admin, pinasusumite ng SC ng original GAB at enrolled bill

Inatasan ng Korte Suprema ang administrasyon ni Marcos Jr., sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG), na magsumite ng orihinal na kopya ng 2025 General Appropriations Bill (GAB) at 2025 General Appropriations Enrolled Bill.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagdinig sa petisyong kumukuwestiyon sa 2025 National Budget, matapos matuklasan na may mga blangkong bahagi sa bicam report ng naturang panukalang batas.

Kapag naisumite na ang orihinal na mga dokumento, maaari nang ikumpara ang enrolled at non-enrolled versions ng 2025 budget bill upang masuri kung mayroong hindi awtorisadong pagbabago o insertions.

Open photo

Ang nasabing petisyon ay inihain nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez at Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab, na parehong kinukuwestiyon ang konstitusyunalidad ng 2025 National Budget.

Ayon naman kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez, mayroong ₱241 bilyong pisong insertion sa 2025 General Appropriations Act, na umano’y nakapaloob sa 12 blank items sa bicam report.

More in National News

Latest News

To Top