Connect with us

Marcos Jr. admin, tinawag na traydor matapos ma-convict si MNLF Chairman Nur Misuari sa graft case

Marcos Jr. admin, tinawag na traydor matapos ma-convict si MNLF Chairman Nur Misuari sa graft case

National News

Marcos Jr. admin, tinawag na traydor matapos ma-convict si MNLF Chairman Nur Misuari sa graft case

Nagsalita na ang liderato ng Moro National Liberation Front (MNLF) matapos magpababa ng desisyon ang Sandiganbayan 3rd Disivion laban sa chairman ng grupo.

Inendorso ni MNLF Chairman Nur Misuari si Pangulong Bongbong Marcos para sa presidente noong 2022 elections.

Crucial ang show of support ni Misuari kay noo’y BBM dahil sa mapait na karanasan nito sa kaniyang ama sa na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. noong panahon ng Martial Law.

Umabot pa nga sa punto na sinabi ni Misuari noong 2022 na hindi maaaring manahin ng anak ang kasalanan ng tatay.

Kaya suportado ng MNLF ang UniTeam nina BBM at Vice President Sara Duterte.

“I had a very sad memory about the governance of the late President (Ferdinand) Marcos, not necessarily against the son. As I said time and again, the fault of the father cannot be inherited unnecessarily by the children or by the sons and daughters,” pahayag ni MNLF, Chairman Nur Misuari in 2022.

Ngunit, sa termino ng presidente na kaniyang sinuportahan ay inilabas ng Sandiganbayan 3rd Division ang conviction nito sa kasong graft.

Ang reklamo ay may kinalaman sa termino noon ni Misuari bilang dating ARMM governor taong 2000 at 2001.

Dismayado ang ibang matataas na opisyal ng MNLF sa nangyari.

Ayon kay MNLF Davao State Chairman Monk Olamit, gawa-gawa lang ang kaso na ‘yan laban kay Misuari.

“It’s a totally fabricated case para lang mahiktan nila ang tigulang ang Chairman,” ayon kay MNLF Davao, State Chairman, Aziz Monk Olamit.

“It’s a totally fabricated case para lang matalian nila ang matandang chairman.”

Kinuweston naman ni Olamit kung bakit ganito ang balik ng Marcos Jr. administration kay Misuari sa kabila ng suporta nito sa kanya noong nagdaang eleksyon.

“He’s very old. Pero anaon gihapon nila despite sa tabang. I (will) quote nako iyang gitabang na the sin of the father cannot be inherited by the son. During the campaign, napuslan jud na ni BBM na quote ni Chairman Nur Misuari,” dagdag pa ni Aziz Monk Olamit.

“He’s very old. Pero ginawa pa rin nila sa kabila ng tulong. I (will) quote ko ‘yung kanyang naitulong na the sin of the father cannot be inherited by the son. During the campaign, napakinabangan talaga ‘yan ni BBM na quote ni Chairman Nur Misuari.”

Kilalang malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte si Misuari.

Kaya duda ni Olamit, ito marahil ang dahilan kung bakit iniipit ngayon ang kanilang lider.

“Yes, deliberate yan… planado yan. And then alam nila si Chairman Nur Misuari at si former President Duterte they are just like brothers. Ewan ko lang kung anong plano nila. Pero this is a total crackdown to the MNLF,” ani Olamit.

Kinondena naman ni Olamit ang ginawa ng administrasyong Marcos sa MNLF leader.

At galit rin ang mga tao nila sa ground sa nangyari.

Tawag nila kay Pangulong Marcos Jr.

“Talagang traydor talaga ito na government. Hindi talaga itong sincere itong kapayapaan,” aniya.

Hindi pa nila makausap si Chairman Nur.

Magpapatawag naman sila ng meeting para pag-usapan ang susunod nilang hakbang.

Balak naman nilang magsagawa ng kilos-protesta sa Davao City para ipaabot sa national government ang kanilang pag-kondena.

“The more the suppressed the oppression… nag-alboroto ang ground. Hindi lang nagsasalita sila. Kaya nga ako naging mouthpiece ako ng sentiment sa ground para malaman nila. I am challenging the government lalo na itong OPAPRU. Settle the case of the chairman,” saad pa ni Olamit.

More in National News

Latest News

To Top