National News
Marcos Jr. nanalo dahil sa suporta ng Duterte loyalists — Panelo
Nanalo bilang pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa suporta ng mga tagasunod ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Atty. Salvador Panelo, naging tiyak ang kanyang panalo sa 2022 elections dahil si Vice President Sara Duterte ang kanyang ka-tandem.
Sa limang presidential candidates noon, tanging si Marcos Jr. lamang ang nangakong ipagpapatuloy ang legasiya ni FPRRD.
Samantala, ayon kay Panelo, ngayon ay sinisiraan umano ng pamilya Marcos ang mga Duterte upang manatili sa kapangyarihan.
