Uncategorized
Marcos Jr., paiimbestigahan sa UN vs human rights violation at crimes against humanity
Isang simbolikong pagtitipon ang ginawa ng iba’t-ibang grupo mula sa Pilipinas sa harap ng United Nations (UN) sa Estados Unidos.
Dala nila ang panawagang hustisya laban sa mga iregularidad ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ayon sa Dating NPA kadre na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, “Crimes against humanity, violations of International Covenant on civil and political rights, violation of international humanitarian law and the International Covenant on economic in social and cultural rights committed by the Philippine Government as presided by Mr. Marcos.”
Kinondena ng grupo ang labis na pang-aalipusta sa Kingdom of Jesus Christ o KOJC lalo na sa spiritual leader nito na si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Si Pastor Apollo na isa sa mga tanyag na personalidad na tumulong sa pagka-panalo ni Pangulong Marcos noong 2022 elections.
Lalo na ang marahas na June 10, 2024, operations ng PNP-SAF at CIDG sa KOJC religious compounds kung saan dalawang Indigenous People ang nasawi dahil sa matinding trauma.
Pati na ang panggigipit ng Marcos Jr. government sa mga kritiko kagaya ng pagpapataw ng suspension order sa mga halal na opisyal.
Ani Celiz, “In the amount estimated to be P1.14-B or roughly $20-M commensurate to the damages mentioned above.”
Paliwanag naman ng beteranong political commentator na si Jay Sonza, mahalaga na pag-usapan sa international arena ang pang-aabuso sa Marcos Jr. administration.
Lalo na’t walang maasahang hustisya sa kasalukuyang administrasyon para kay Pastor Apollo.
Ani Sonza, “Nag-file tayo ng motion for reconsideration sa DOJ. Hanggang ngayon awa ng Diyos inanod na ng baha nung habagat atsaka ni Carina, hindi pa rin nagalaw. Mamamatay nalang, titirik na lang ang mata ni Boying, mukhang walang ka pag-a, pag-asa. Kaya paano kami hindi lalapit sa United Nations. ‘Yun lang ayaw man sana natin kaya lang we have to, they left us with no choice eh.”
Dagdag pa ni Celiz, “Ito po ay panimulang paglalakbay sa katarungan at paghahanap po ng pananagutan mula kay Mr. Marcos.”
