National News
Marcos Jr., planong makipagtulungan sa India para sa local manufacturing ng generic drugs
Humihingi ng tulong si presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa India upang mapaigting ang local manufacturing ng mga generic drugs sa bansa.
Sa kalagitnaan ng pakikipagpulong nito sa India Ambassador to the Philippines Shambhu S. Kumaran, inilatag ni Marcos Jr. ang posibilidad ng “partnership” sa pagitan ng dalawang bansa para sa local manufacturing ng generic drugs sa Pilipinas.
Iginiit ni Marcos Jr. na ang India ang isa sa pinakamalaking manufacturer ng generic drugs sa buong mundo.
Bagaman sinabi ni Marcos na wala itong duda sa local manufacturers sa bansa, aniya, marami pa ring maitutulong ang india sa bansa pagdating sa pag-manufacture ng generic drugs.
