National News
Marcos Jr., sasampahan ng impeachment case
Hindi pa pormal na naisasampa nina Duterte Youth Chairman Ronald Cardema at former Cong. Marie Cardema ang sana’y kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Cardema, wala sa tanggapan ng Kamara ang Sec. General na tatanggap at magpo-proseso sana ng reklamo dahil kasalukuyang nasa strategic planning umano ito.
Sa susunod na linggo babalik sina Cardema para pormal na ihain ang kaso laban kay BBM.
Samantala, sakaling maupo muli ang Duterte Youth party-list sa Kongreso, tiniyak ni Cardema na sila ang magiging totoong boses ng bayan.
