Connect with us

Maria Ressa, hinamon ni Pastor Apollo na patotohanan ang mga impormasyong ikinalat sa media

Maria Ressa, hinamon ni Pastor Apollo na patotohanan ang mga impormasyong ikinalat sa media

National News

Maria Ressa, hinamon ni Pastor Apollo na patotohanan ang mga impormasyong ikinalat sa media

Hinamon ni Pastor Apollo C. Quiboloy, chairman ng SMNI ang Rappler CEO na si Maria Ressa kasunod ng mga impormasyong inilalabas nito sa publiko lalo na ang patungkol sa war on drugs ng Duterte admin.

Sa impormasyong inilabas ng Rappler kamakailan ay sinabi nitong nasa 27,000-30,000 na ng mga indibidwal ang napatay kasama ang mga nasawi sa vigilante style ng anti-illegal drug campaign ni Pang. Duterte.

Sa datos ng gobyerno ay nasa mahigit 6,000 lang ang casualties sa drug war.

Ayon kay Pastor Apollo, nakahanda siyang i-debate ang maling impormasyon na inilalabas ni Ressa.

Pero ang tanong kung kaya bang tanggapin ni Ressa ang hamon at patotohanan ang mga claims nito?

Ayon kay pastor, handa siyang ialok ang tanggapan ng SMNI para dito gawin ang nasabing debate.

Matatandaan na maliban kay Ressa ay marami ng inalok ng debate si Pastor Apollo gaya ni Sen. Manny pacquiao

Ito ay para patotohanan nila ang mga alegasyon na ibinabato nila sa Duterte admin.

Matatandaan na sa mga paratang ni Pacquiao ay sinabi nitong triple na ang kurapsyon sa ilalim ng pamamahala ng pangulo.

More in National News

Latest News

To Top