Showbiz
Mariah Carey, naalala ang mga Pinoy ngayong Christmas season
Tis the season to be jolly, mga Kapartner!
At dahil “ber” months na, nai-shout out ni American singer-songwriter Mariah Carey ang mga Pinoy.
Sa kanyang Facebook post nitong Setyembre 7, 2024 kasabay ang link ng kanyang hit Christmas song na “All I Want For Christmas Is You”, sinabi nyang sanay palaging ligtas at nasa mabuting kalagayan ang mga Pilipino.
Mistulang alam ng singer na kickoff na nga ng Christmas season sa Pilipinas noong Setyembre 1.
Matatandaan naman na noong Setyembre 1, 2023, ang “A Holly Jolly Christmas” na kanta nya ay umabot ng 112,040 streams sa Pilipinas dahilan para makuha nito ang 82nd most streamed song sa Spotify Philippines sa araw na iyon.
Sa ibang balita, babalik muli dito ang American pop rock band na Maroon 5.
Sa inilabas na anunsyo ng local promoter na Live Nation Philippines, Enero 29, 2025 ang schedule ng kanilang concert sa bansa at this time, gaganapin ito sa SM MOA Arena.
Taong 2008 sa Smart Araneta Coliseum, Cubao ang unang pagbisita ng Maroon 5 sa Pilipinas.
Sinundan ito noong 2011, 2012, 2015, 2019 at ang pinakahuli ay noong 2022.