Metro News
Marikina City, magsasagawa ng disinfection activities dahil sa COVID-19
Magsasagawa ng malawakang disinfection activities ang pamahalaan ng Marikina City laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, maliban sa paglilinis sa mga paaralan, magsasagawa din ng disinfection activities sa matataong lugar tulad ng palengke, mga parke, public terminals, public toilets at mga public structures sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at barangay.
Una namang nagkansela ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng kanselasyon ng pasok ngayong araw hanggang sa Marso 11 sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Ito ay bahagi ng preemptive measure ng lungsod para maiwasan ang posibleng paglaganap ng COVID-19.
Kasabay nito, pinayuhan rin ng Marikina City LGU ang publiko na iwasan ang matataong lugar kasama na ang pagsasagawa ng malakihang pagtitipon.
