Connect with us

Marikina Mayor Marcy Teodoro, tatakbo bilang kongresista sa 2025

Marikina Mayor Marcy Teodoro, tatakbo bilang kongresista sa 2025

National News

Marikina Mayor Marcy Teodoro, tatakbo bilang kongresista sa 2025

Tatakbo muli bilang kongresista ng Marikina 1st District si Marikina City Mayor Marcy Teodoro.

Sa ikalimang araw ng filing ng certificates of candidacy (COC) nang magtungo sa Office of the Regional Election Director-National Capital Region si Teodoro para sa kanyang kandidatura.

Maliban kay Mayor Marcy ay nakapaghain na rin ng kanyang kandidatura si Atty. Jimmy Bondoc bilang senador sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP).

Ayon kay Bondoc, gagawa siya ng batas para tuluyang mapuksa ang korupsiyon sa bansa.

Si Rep. Erwin Tulfo, sasabak rin sa senatorial race sa 2025.

Una na nanghain ng kanilang kandidatura ang kaniyang kapatid na si Ben Tulfo at sakaling palarin ang dalawa, magkakaroon na ng tatlong Tulfo sa senado kasama ang incumbent na si Sen. Raffy.

Sa mga party-list, muling nagbabalik sa pagtakbo bilang kinatawan ng P3PWD Party-list si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.

Sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Vice Mayor Dodot Jaworski, naghain na rin ng kanilang mga COC bilang reelectionists.

Tatakbo naman bilang councilor ng General Santos City si Michael, ang anak ni Pinoy boxing champ manny Pacquiao.

Nasa ilalim naman si Michael Pacquiao ng People’s Champ Movement Party na pinangunahan rin ng kanyang ama.

More in National News

Latest News

To Top