Connect with us

Maritime cooperative activity ng Pilipinas, U.S, Japan at Australia sa WPS, hindi maituturing na show of force – DND

Maritime cooperative activity ng Pilipinas, U.S, Japan at Australia sa WPS, hindi maituturing na show of force – DND

National News

Maritime cooperative activity ng Pilipinas, U.S, Japan at Australia sa WPS, hindi maituturing na show of force – DND

Nilinaw ng Department of National Defense (DND) na hindi show of force ang ginawang maritime cooperative activity sa pagitan ng Pilipinas gayundin ng mga bansang Amerika, Japan at Australia sa West Philippine Sea (WPS).

Ito rin ay tugon ng Pilipinas sa naratibo ng China na labag umano sa Code of Conduct of Parties ang naturang aktibidad lalo’t sinasagasaan nito ang kanilang soberanya at karapatan sa nasabing karagatan.

Sa isang panayam, sinabi ni Defense Spokesperson, Dir. Arsenio Andolong, ginagawa lamang ng Pilipinas kung ano ang pinapayagan ng international law.

Para kay Andolong, ang aktibidad ay pagpapakita ng pagkakaisa lalo’t ginagawa naman ito ng lahat ng mga sibilisadong bansa at bahala na ang China kung ano ang kanilang magiging interpretasyon dito.

Ang mahalaga ayon kay Andolong, ginagawa ng Pilipinas ang nasabing pagsasanay sa ngalan ng pambansang interes sa dahilang pinalalakas nito ang kakayahan ng bansa gayundin ang pakikipagtulungan sa iba pang bansa.

Giit ng opisyal, walang ibang layon ang pagsasanay kundi ang panatilihin ang karapatan sa ‘freedom of navigation’, pagpapalipad ng mga aircraft at pagrespeto sa karapatan sa soberenya sa ilalim ng internasyonal na batas na nakasaad sa United Convention on the Law of the Seas (UNCLOS).

Sa kabilang banda, Ibinase ng China ang pag-aangkin sa WPS sa kanilang tinatawag na historic right sa nasabing karagatan sa panahon pa ng Han Dynasty.

Nauna nang isinapubliko ng China ang kanilang “10-dash line” bilang tanda sa inaangkin nitong teritoryo na sumasakop sa WPS.

Nito lamang mga nakaraang buwan nang magkaroon ng sunud sunod na maritime incidents sa WPS kabilang na ang water blasting o pambobomba ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal sa loob mismo ng EEZ ng Pilipinas.

7 Pinoy ang nasugatan sa 2 insidente ng water cannon attacks kabilang na ang 4 na navy personnel.

More in National News

Latest News

To Top