COVID-19 UPDATES
Martial law, ipatutupad lamang kung may kaso ng rebelyon – IATF
Nilinaw ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa martial law type sa gitna ng ipinapatupad na enhanced community quarantine.
Ayon kay I-ATF spokesman Cabinet Secretary Karlo Nograles, malinaw na ang martial law, base sa kontitusyon ay ipinapatupad lamang kung nagkaroon ng rebelyon at paglusob.
Pero aniya, kapag wala nangyaring katulad nito ay wala ring martial law.
Paliwanag pa ni Nograles, sa binanggit ng pangulo na martial law type, binigyang diin nito na mag-i-employ sila ng mga militar para tumulong sa mga pulis sa pagpapatupad ng quarantine rules, ito ay kung talagang magmamatigas ang mga pasaway.
Ibig sabihin mas strikto lamang ang pag-iimplementa ng mga otoridad sa ECQ.