Connect with us

Martial Law Museum, hindi na dapat pondohan dahil pino-promote ang mga NPA – Cardema

Martial Law Museum, hindi na dapat pondohan dahil pino-promote ang mga NPA – Cardema

National News

Martial Law Museum, hindi na dapat pondohan dahil pino-promote ang mga NPA – Cardema

Nais ngayon ni National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na tanggalan ng pondo ang Martial law Museum.

Ang panawagan ay ginawa sa ika-50 deklarasyon ng Martial Law sa bansa ngayong araw.

Giit ni Cardema, may mga pangalan na umano’y biktima ng karahasan ng Martial Law na mga miyembro pala ng NPA na kikilalanin ng Museum kaya hindi ito dapat matuloy.

Diin ni Cardema, NPA promotion ang mangyayari sa museum oras na ito’y maitayo at sinademonyo lamang nito ang pamahalaan.

“Nakita ko yung listahan ng mga alleged biktima nang mga panahon na yan at nakalagay doon. Meron doon nakalagay isang biktima Melito Glor. Eh yun yung command ng NPA dito sa Southern Tagalog Melito Glor command. Isang malakas na command nila yun nakapangalan sa tao na yun tapos biktima ng Martial Law? Yung isa Merardo Arce biktima daw ng martial law? Yun yung Mindanao command ng NPA. Doon pa lang sa konting listahan na yun makikita mo na yung iba pa lang victims daw dun mga NPA? Kasi talagang merong operasyon ang gobyerno laban sa NPA,” giit ni Cardema.

Ayon naman sa Human Rights Violations Victims Memorial Commission, layunin ng museum na parangalan ang mga aktibistang lumaban at nasawi sa ilalim ng diktaduryang Marcos at kontrahin ang mga maling impormasyon hinggil sa martial law.

Pinaiimbestigahan naman ni Cardema sa nasabing komisyon ang mga NPA na kasama sa tinataas ng tanggapan.

More in National News

Latest News

To Top