National News
Mas epektibong pagpapatupad ng SIM Registration Act, isinusulong
Hinihikayat ng grupong Junk SIM Registration Network ang gobyerno na gumawa ng mas epektibong hakbang para maipatupad ng maayos ang SIM Registration Law.
Anila, ang pag-review at pag-revise ng batas ay hindi ang tanging paraan upang matugunan ang problema dito.
Mas mainam na hakbang ayon sa grupo ang pagkakaroon rin ng awareness campaign sa publiko laban sa digital scams.
Sa datos, tumaas ng 21.8% ang kaso ng cybercrime sa unang quarter ng taong 2024.