National News
Mas mabilis na pagpapatupad ng mga programa para sa mga magsasaka at mangingisda, target ng DA
Hinimok ng Department of Agriculture (DA) ang mas mabilis na pagpapatupad ng mga programang sumusuporta sa mga lokal na magsasaka at mangingisda sa bansa.
Kabilang sa programang isinusulong ang pagtaas ng buying price ng National Food Authority (NFA).
Layunin nitong palakihin ang kita ng mga lokal na magsasaka.
Kasama na rin dito ang modernisasyon ng NFA sa pamamagitan ng dagdag na bodega at post-harvest facilities.
Pagtaas ng Rice Competitiveness Enhancement Fund mula sa dating pondo patungong P30-B
Pinalawak na Agripuhunan at Pantawid Program o ang tulong pinansyal at kapital para sa mga magsasaka.
Pinalakas na suporta mula sa Agricultural Credit Policy Council.
