Connect with us

Mas maginhawa at mabilis na loan application para sa mga first time mangutang, inihandog ng SSS

Mas maginhawa at mabilis na loan application para sa mga first time mangutang, inihandog ng SSS

National News

Mas maginhawa at mabilis na loan application para sa mga first time mangutang, inihandog ng SSS

Inanunsyo ngayon ng Social Security System (SSS) na magiging mabilis na ang pag-aaplay ng loan sa mga retirement pensioner na first time manghiram sa kanila.

Ayon kay SSS President and CEO Michael Regino, ang mga retirement pensioner na unang beses pa lang mangungutang sa ilalim ng SSS Pension Loan Program (PLP) ay maaaring maghain ng kanilang aplikasyon sa online simula sa Mayo 30 sa pamamagitan ng My.SSS Portal.

Dati kasi ang mga manghihiram ay kailangang pumunta sa pinakamalapit na SSS branch sa kanilang lugar para makapag-aplay dahil ang online filing ay bukas lang para sa renewal ng loan applications.

“We recognize the challenges faced by our retirement pensioners in going to SSS branch to avail of the Pension Loan Program. With the pandemic still around, pensioners prefer to have their transactions done online in their respective homes. This online facility makes it easier for them to avail of said program as it also guarantees a faster approval process,” paliwanag pa ni Regino.

Hinimok din ni Regino ang mga retirement pensioner na sulitin na ang naturang low-interest loan offer ng SSS.

Tiniyak nito na hindi ire-require sa kanila ng SSS na i-surrender ang kanilang ATM cards bilang kolateral gaya ng ibang institusyon.

Ang PLP ay inilunsad bilang tugon ng SSS sa mga pensyonado para sa kanilang pangangailangang pinansyal sa pamamagitan ng pag-aalok sa kanila ng loan na may 10% interest rate per annum.

More in National News

Latest News

To Top