Metro News
Mas mahigpit na pagbabantay sa mga checkpoint papasok at palabas ng Metro Manila, asahan na
Pinahihigpitan ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations Lieutenant General Guillermo Eleazar ang latag ng seguridad sa mga checkpoint papasok at palabas ng Metro Manila kasunod ng pagpapatupad ng community quarantine laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Eleazar, kailangang istrikto ang pagmamando sa mga checkpoint alinsunod sa mga alintuntunin ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID).
Nagpasalamat naman si Eleazar sa mga kababayan na nakikipagtulungan sa ipinatutupad na hakbang ng pulisya.
Kaugnay nito, ininspeksyon ni Eleazar ang checkpoints sa Valenzuela upang matiyak na compliant ito sa pinaiiral na community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.
