National News
Mas “mainit” na panahon, aasahan na sa susunod na mga araw – PAGASA
Aasahan ang mas mainit na panahon sa susunod na mga araw ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa ulat nito, patuloy na nangingibabaw sa weather system ng bansa ang easterlies at ang mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.
Sa Metro Manila, aasahan ang 24°C – 36°C na temperatura mula April 16 – 18, 2024.
Sa Metro Cebu ay sa nasa 26°C – 32°C habang sa Metro Davao ay 25°C – 35°C.
