Connect with us

Mas maraming infrastructure projects, ibubuhos ng China sa pagpasok ng Marcos admin

Mas maraming infrastructure projects, ibubuhos ng China sa pagpasok ng Marcos admin

National News

Mas maraming infrastructure projects, ibubuhos ng China sa pagpasok ng Marcos admin

Nagkita noong Mayo 13 sina incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Dala ni Ambassador Huang ang congratulatory note na ipinadala ni Chinese President Xi Jinping para sa ika 17 Pangulo ng bansa.

Sa ekslusibong panayam ng SMNI News, ibinahagi ni Huang ang ilan sa kanilang napag-usapan ng bagong Pangulo.

“I delivered a message of congratulation from my President Xi Jinping to congratulate him on being as the 17th President of the Republic of the Philippines. And of course, I also conveyed my personal wishes and congratulations to him and we also about the past,” ani Huang Xilian, Chinese Ambassador to the Philippines.

Kabilang sa binalikan nila BBM at Huang ang naging ambag ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa relasyon ng China at ng Pilipinas.

Lalo na’t binuksan raw ni Marcos Sr. ang bansa para makipagkaibigan sa China noong panahon ni Chinese leading Mao Zedong.

“Bongbong himself visited China for the first time when he was 17. So he was the one who visited China before we established diplomatic ties. So he had a lot to share with me about his engagement with China and his family’s engagement with China. We also talked about the current situation the past 6 years how much we have achieved under the guidance of President Xi Jinping and Pres. Duterte. We have achieved a lot in our relationship and also of couse we talked about future,” dagdag pa ni Xilian.

Isa ang China sa mga bumuhos ng pondo para sa Build Build Build Program ni Pangulong Duterte.

Mga tulay, kalsada at iba pang infrastructure.

Lahat ng ito dahil sa magandang pagkakaibigan ni Pangulong Duterte at President Xi.

“The investments of China in this country has quadrupled in the past 6 years compared with the previous 6 years. In terms to government-to-government projects, we have completed 16 projects including the Binondo-Intramuros bridge where you have been familiar with. All together 16 projects have been completed and turned-over to your country. And there’s still more than 2,000 projects all in the pipeline,” saad pa ni Xilian.

At dahil nangako si BBM na ipagpapatuloy ang infrastructure program ni Pangulong Duterte, nangako rin ang China ng mas maraming proyekto na kanilang ibubuhos sa bansa.

“We hope that we will continue to consolidate and deepen our cooperation in terms of synergizing the belt and road initiative and the Build Build Build Program and you know the National Development Program in the next administration,” giit pa ng Chinese Ambassador to the Philippines.

 Bukod dito, tiniyak rin ni Ambassador Huang ang kooperasyon ng Pilipinas at China sa turismo at paglikha ng Virology Institute sa bansa.

Samantala, sa press conference ngayong araw, iginiit kampo ni Bongbong Marcos na si dating MMDA Chairman Benhur Abalos bilang susunod na DILG Secretary.

Pinangalanan rin sina:

  • Atty. Vic Rodriguez,
  • Cong. Anton Lagdameo,
  • Cong. Naida Angping,
  • Gov. Jun Tamayo, South Cotabato, bilang mga miyembro ng UniTeam transition team na makikipag-ugnayan sa outgoing administration.

More in National News

Latest News

To Top