Connect with us

Mas maunlad na Mindanao, tiniyak kasunod ng pagsuko ng 100 Abu Sayyaf members – DILG

Mas maunlad na Mindanao, tiniyak kasunod ng pagsuko ng 100 Abu Sayyaf members – DILG

National News

Mas maunlad na Mindanao, tiniyak kasunod ng pagsuko ng 100 Abu Sayyaf members – DILG

Kasunod ng pagsuko ng 100 Abu Sayyaf members mula sa Sulu, agad na tiniyak ng pamahalaan ang mas maayos na kinabukasan ng mga ito kasama ng kanilang mga pamilya sa ilalim ng poder ng gobyerno.

Sa kanyang pagharap sa Malakanyang ngayong hapon, tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na nasa mabuting pangangalaga ang sinumang magbabalik-loob sa pamahalaan at nais makipag-isa sa adhikain tungo sa mas mapayapa at maunlad na bansa

Dagdag pa ni Abalos, magandang senyales ito para sa inaasam na pagkakaisa o unity at dahan-dahang pagtatapos ng banta ng terorismo sa bansa.

Dahil dito, hindi na rin magtatagal aniya, isusunod na ang mga reporma sa lalawigan ng Sulu lalo na sa pagpapaunlad sa kabuhayan ng mga residente doon na hindi na kailanmay matatakot mula sa putok ng baril o pampasabog.

Sa ngayon, sa kanilang pagsuko ay mabibiyayaan ang mga ito sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno para makatanggap ng pinansiyal at tulong pangkabuhayan.

Alinsunod sa E-CLIP ang mga kuwalipikadong benepisaryo ay makatitiyak ng kaligtasan at seguridad, cash assistance na P50,000 tulong pangkabuhayan, P15,000 mobilization expenses at bibigyan din ng karagdagang halaga ng kapalit ng mga isinusukong mga baril.

Paliwanag ng opisyal, walang magandang maidudulot ang pakikipabaka gamit ang armas, kundi maaari aniya itong madaan sa maayos na pag-uusap na hindi nagkakasakitan at nagbubuwis ng buhay.

Ani Abalos, matagal nang naghihintay ang gobyerno at handa itong makinig sa mga hinaing ng sinuman.

Batay sa impormasyon, ang mga nagsisuko ay mula sa iba’t-ibang munisipalidad ng Sulu na kinabibilangan ng Indanan, Omar, Maimbong, Panamao, Talipao, at Patikul.

Sa pangunguna ng PNP-Special Action Force, napag-alaman na nagpasya na sumuko ang mga dating rebelde na ito upang mamuhay ng mapayapa at tuluyang iwaksi ang ang hirap na dinanas ng mga ito sa kabundukan habang patuloy na tinutugis ang mga ito ng tropa ng pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top