National News
Mass grave sa loob ng Bilibid, pinabulaanan na ng BuCor
Para sa Bureau of Corrections (BuCor) resolved na ang isyu na mayroong mass grave sa loob nang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ayon mismo kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. walang mass grave sa loob ng Bilibid.
Yan ay matapos magnegatibo sa human remains ang 3 septic tanks ng NBP.
Matatandaang ipinag-utos ng mga senador na mapasuri sa forensic expert ang lahat ng mga nahukay sa loob ng septic tank.
“Wala namang mass grave. We already submitted to DOJ and Congress na finally naresolve na ang isyu. Kung wala naman talagang mass grave, so be it,” ayon kay Director-General, BuCor, Gregorio Catapang Jr.
Matatandaan na sa nakaraang Senate hearing, sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi sa tao ang narekober na buto sa isa mga septic tank.
Ang butong nahukay sa septic tank ay una nang pinaghihinalaang buto ng persons deprived of liberty (PDL) na si Michael Catarroja na inakalang patay na at itinapon sa septic tank.
Kalaunan ay napag-alamang nakatakas lang sa loob ng NBP si Catarroja.
Samantala, ikinagalak naman ng Department of justice (DOJ) na nagkaroon na ng linaw ang isyu sa pagkakaroon ng mass grave sa kulungan.
“Relieve din tayo dahil ang pinakapunto natin na may ganung klaseng problema ay wala. We hope patuloy na lang reporma natin. Hindi na tayo lilingon sa likod,” ayon naman kay DOJ, Spokesperson, Asec. Mico Clavano.
Samantala, matapos makarekober nang droga at mga baril sa loob ng Bilibid ang mga taga-BuCor sa kanilang isinagawang Oplan Galugad ay ipinag-utos ni Catapang ang demolisyon ng mga kubol doon.
Matatandaan na isinagawa ang Oplan Galugad matapos ang rambolan ng mga PDL kamakailan.
Sa ngayon 80% ng tapos ang BuCor sa paggiba ng mga kubol at marami pa silang narekober na kontrabando.
“May mga drugs pa. May baril pa. Naisubmit ko naman na kay secretary yan. Nakarekober pa tayo sabi ng Sputnik gang nang apat na 45 at saka isang 40 kaliber,” dagdag pa ni Catapang.
