Connect with us

Masterlist ng mga benepisyaryo ng SAP, pinasasapubliko ng DILG 

828 LGUs SAP DILG

National News

Masterlist ng mga benepisyaryo ng SAP, pinasasapubliko ng DILG 

Para matiyak ang , pinasasapubliko ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga punong barangay ang listahan ng mga benepisyaryo para sa Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng Department Of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinag-utos ng DILG sa lahat ng punong barangay na ipost ang masterlist ng mga benepisyaryo sa strategic areas sa kanilang mga komunidad gaya ng barangay hall.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, makatutulong ang pag-post sa listahan upang maipaalam sa mga residente kung makatatanggap sila ng financial assistance mula sa gobyerno.

Sinabi rin nito na napakaimportante na ihayag ang listahan ng target sap beneficiaries dahil isusulong nito ang tapat, transparent, at maayos na pamamahala ng sap funds.

Mahalaga rin aniyang ang pagpost nito para makapagbigay ang mga residente ng feedback kung bakit sa tingin nila ay dapat silang mapabilang sa listahan.

Inisyu ni Año ang pahayag matapos makatanggap ng mga ulat mula sa mga field officer sa lack of transparency sa pamamahagi ng SAC forms at tulong sa mga target beneficiary.

 

More in National News

Latest News

To Top