Regional
Mastermind ng MSU bombing, patay na – AFP
Napatay na ang umanoy mastermind sa nangyaring pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong December 2023.
Ayon ito sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos nagsagawa sila ng operasyon sa Lanao del Sur noong January 25 – 26, 2024 na ikinasawi ng 9 na pinaniniwalaang miyembro ng Dawlah Islamiyah.
Nakabatay rin ito sa ibinunyag ng nag-surrender na terorista noong February 11, na kinilala bilang Khatab.
Sinasabing si Khadafi Mimbesa o “engineer” ay leader rin ng Dawlah Islamiyah- Maute Group at isa nga sa 9 na nasawi.
Inisyal na impormasyon ng AFP ay kasama sa 9 na nasawi ang 1 sa 4 na suspek ng marawi bombing maging ang gumawa ng pampasabog na ginamit sa insidente.
Matatandaang sa nangyaring Marawi bombing ay 4 ang nasawi habang 45 ang sugatan.
![](https://dzar1026.ph/wp-content/uploads/2024/05/logo-radio-1.jpg)