Connect with us

Mataas na digital transfer fees na sinisingil ng mga bangko, pinasisilip

Mataas na digital transfer fees na sinisingil ng mga bangko, pinasisilip

National News

Mataas na digital transfer fees na sinisingil ng mga bangko, pinasisilip

Ipinasisilip ni Albay Rep. Joey Salceda sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mataas na digital transfer fees na sinisingil ng mga bangko sa mga gumagamit ng Instapay, Pesonet, at iba pang Interbank System.

Sa datos mula sa BSP, ang Interbank Transfer Fee gamit ang Pesonet ay umabot ng hanggang P2,100 bawat transaksyon.

P550 naman ang pinakamataas na sinisingil ng isang local bank habang ang mga bayarin sa instapay ay umabot sa p35 bawat transaksyon.

Nanawagan din ang House Ways and Means Committee Chair sa BSP na magtakda ng regulasyon na naglilimita sa sinisingil na digital transfer fees ng mga bangko.

Dahil dito, mas makapagbibigay pa aniya ang mga bangko ng serbisyong pang pinansiyal at maiwasan ang pansasamantala ng mga bangko sa kanilang mga kliyente.

More in National News

Latest News

To Top