Connect with us

Mataas na lider ng BIFF at 11 iba pa, nasawi sa operasyon ng militar sa Maguindanao del Norte

Mataas na lider ng BIFF at 11 iba pa, nasawi sa operasyon ng militar sa Maguindanao del Norte

Regional

Mataas na lider ng BIFF at 11 iba pa, nasawi sa operasyon ng militar sa Maguindanao del Norte

Isang mataas na lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang nasawi kasama ang 11 miyembro nito makaraan ang operasyon ng militar sa Barangay Kitangco, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Ayon kay 1st Brigade Combat Team Commander Brig/Gen Jose Vladimir Cagara, ang nasawing lider ay kinilalang si Mohiden Animbang, chairman ng BIFF-KF, Saga Animbang na isa ring operation chief ng BIFF-KF.

Ayon sa ulat 7:30 ng umaga ng Lunes, Abril 22, nagsimula ang bakbakan ng tropa ng mga sundalo sa Sitio Pendililang.

Nakuha ng militar sa lugar ang 12 kagamitang pandigma tulad ng 5 M16A1, 3 M14, 2 M653, 1 M4 at 1 mataas na kalibre ng baril.

Sa kasalukuyan patuloy pang inaalam ng pagkakakilanlan ng 10 iba pang terorista na nasawi sa nasabing operasyon.

More in Regional

Latest News

To Top