Connect with us

Mataas na Philhealth premiums sa OFWs, suspendido muna, boluntaryo na

Philhealth OFWs suspendido boluntaryo

National News

Mataas na Philhealth premiums sa OFWs, suspendido muna, boluntaryo na

Suspendido muna ang mataas na paniningil ng Philhealth premium contributions sa mga OFW habang magiging boluntaryo na rin ang pagbabayad nito.

Ito ang naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyung pagpataw sa mga OFW ng pagtaas ng Philhealth contributions.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na rin  requirement ang Philhealth premium bago pa makakuha ng overseas employment certificate.

“Habang meron tayong krisis, huwag na muna tayong magpataw ng karagdagang pahirap sa ating mga OFWs. Lalong-lalo na sa panahon na naparadami sa kanila ang nare-repatriate at nawalan na rin ng trabaho,” saad ni Roque.

Ayon din kay Health Secretary Francisco Duque III itigil muna ang mataas koleksyon sa OFWs sa gitna ng COVID-19 crisis.

“I call for the suspension of Section 10.2.C of the IRR of the UHC Law in light of COVID-19 and its economic impact on OFWs. We will recommend this to Philhealth for their action. Meanwhile, we will reach out again to our stakeholders on this,” pahayag ni Duque sa kanyang Twitter post.

More in National News

Latest News

To Top