Connect with us

Mataas na trust rating ni PRRD sa pagtatapos ng kanyang termino, makasaysayan sa buong mundo – pol. analyst

Mataas na trust rating ni PRRD sa pagtatapos ng kanyang termino, makasaysayan sa buong mundo – pol. analyst

National News

Mataas na trust rating ni PRRD sa pagtatapos ng kanyang termino, makasaysayan sa buong mundo – pol. analyst

Hindi maikakaila na naging mataas pa rin ang approval at trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Political Analyst Professor Austin Ong sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa mahigit 70% na approval trust rating ng pangulo kahit na malapit nang matapos ang kanyang termino.

Ayon kay Ong, ang mataas na rating ni Pangulong Duterte ay maituturing na makasaysayan hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

“Pres. Duterte really activated the untapped potential of the country, he did it within the ambits of the law, ‘yung mga kritiko diyan, ‘di ba, ilang beses nilang sinasabi na diktador daw si Pres. Duterte, ‘di ba or ano ba ‘yung ginagamit nilang labels? And for him to do the achievements that he did in the 6 years, he himself is stepping down following the constitutional mandate for President to be 6 years and peaceful transition, it shows na malaki talaga ang achievements niya, it ended the term with over 70% approval and trust rating, hindi lang to historic in the Philippines but it is historic in the world,” ani Ong.

Matatandaan na maituturing na unpopular president si Pangulong Duterte dahil sa paglalarawan sa kanya ng mga kritiko bilang diktador at mamamatay-tao.

Tinukoy din ni Ong ang ilan sa mga achievement ng pangulo partikular na ang pakikipaglaban nito sa kriminalidad matapos bumaba sa 40-50% ang crime rate sa bansa bago pa ang pandemya.

Naipasa rin aniya sa ilalim ng Duterte admin ang mga batas na magpapapaunlad ng Basic Education at Health Care ng bansa.

Dagdag pa ni Ong, tumaas din ang tax revenue ng bansa kahit pa tinanggalan ng tax ang mga basic earner.

“The tax and revenue of the government, increase. Paano nagawa ‘yun ni Duterte? Because the whole economy group, because of President Duterte’s economic reforms and rehabilitation,” ani Ong.

Naiwasan rin aniya ng Pilipinas na maranasan ang pinakamasamang epekto ng pandemya dahil sa mahusay na pamamalakad at pagtugon ni Pangulong Duterte dito, maging ang kontrobersyal na independent foreign policy nito na nakapagdala ng maraming bakuna kontra COVID-19 sa bansa.

Hindi rin aniya makakaila ang tagumpay ng Duterte admin dahil sa infrastructure projects ng pangulo.

Sa kabila nito, aminado naman si Ong na may mga pangako si Pangulong Duterte na hindi natupad at una na rin itong inamin ng pangulo tulad ng pag-aalis sa iligal na droga sa loob ng 6 na buwan.

Pero ang maganda aniya dito ay maraming Pilipino na lulong sa droga ang naipagamot ng gobyerno at maraming nasampulang mga awtoridad dahil sa pang-aabuso.

More in National News

Latest News

To Top