Connect with us

Matagumpay na operasyon ng militar laban sa CPP-NPA sa Northern Samar, pinuri ng AFP VisCom

Matagumpay na operasyon ng militar laban sa CPP-NPA sa Northern Samar, pinuri ng AFP VisCom

Regional

Matagumpay na operasyon ng militar laban sa CPP-NPA sa Northern Samar, pinuri ng AFP VisCom

Pinuri ng AFP Visayas Command (VisCom) ang matagumpay na operasyon ng 803rd Infantry Brigade ng Joint Task Force Storm laban sa mga miyembro ng CPP-NPA sa Barangay Imelda, Las Navas, Northern Samar kahapon, Nobyembre 23.

Nabatid na isang oras naka-engkwentro ng militar ang nasa 40 CPP-NPA sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) na nagresulta sa pagkasawi ng 6 nilang kasamahan.

Habang nasamsam sa lugar ang 18 armas, ilang personal na gamit at war materials ng mga kalaban ng gobyerno.

Ang nasabing grupo ang responsable sa pag-atake sa Dorillo, Jipapad, Eastern Samar na ikinasawi ng 2 sundalo at ikinasugat ng isang 10 taong gulang na bata at 2 pang sundalo.

Ayon kay AFP VisCom Acting Commander Major General Benedict Arevalo, nananatili ang kanilang pangako na protektahan ang mga mamamayan laban sa banta ng karahasan ng CPP-NPA.

Hindi aniya dapat mabahala ang mga taga-Las Navas dahil ginagawa ng militar ang kanilang makakaya.

 

More in Regional

Latest News

To Top