Connect with us

Matapos tapusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang VFA, Amerika muling nagpaparamdam

Isang simpleng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matutunghayan sa darating na Hulyo 26.

National News

Matapos tapusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang VFA, Amerika muling nagpaparamdam

Inihayag ni Pangulong Rodrigo “Roa” Duterte na muling nagpaparamdam ang Amerika matapos niyang tapusin ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng bansa at ng Amerika.

Ayon kay Pangulong Duterte, nakipag-kita siya kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim, at napag-usapan nila ang tungkol sa relasyon ng bansa at ng Amerika.

Una nang nag-usap sina Philippine Ambassador to the U.S Jose Manuel Romualdez at Sung Kim upang magsagawa ng ibang kasunduuan gaya ng VFA.

Matatandaang, inihayag na ni Pangulong Duterte na hindi na niya pahihintulutan pa ang anumang pagtatangka ng Amerika upang maibalik ang VFA.

Ito ay dahil na rin sa pagbabawal ng Amerika na makapasok sa kanilang bansa ang ilang opisyal na kakampi ng pamahalaan sa war on drugs.

More in National News

Latest News

To Top