Connect with us

Matataas na kalibre ng armas mula sa mga NPA, nakumpiska sa Agusan del Norte

Matataas na kalibre ng armas mula sa mga NPA, nakumpiska sa Agusan del Norte

National News

Matataas na kalibre ng armas mula sa mga NPA, nakumpiska sa Agusan del Norte

Muling nagkasagupa ang pwersa ng mga militar at rebelde sa Agusan del Norte.

Dito, nakumpiska ng mga sundalo mula sa Eastern Mindanao Command ang mga matataas na kalibre ng armas na pagmamay-ari ng mga komunistang teroristang grupo ng CPP-NPA-NDF.

Naka-engkwentro ng 29th Infantry Battalion ng 4th Infantry Division, sa ilalim ng Eastern Mindanao Command, ang mga miyembro ng komunistang teroristang grupo sa Sitio Pirada, Barangay Del Pilar, Agusan del Norte.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng matataas na kalibre ng armas at mga personal na gamit ng mga rebelde.

Tinatayang nasa sampung miyembro ng NPA mula sa Platoon 1 ng SRSDG, Westland, NEMRC ang kabilang sa grupo, na pinamumunuan ni Marjun Navarro, alyas “Julia.”

Nauna rito, nakatanggap ng sumbong ang militar mula sa mga sibilyang nagsabing nagsasagawa ng extortion ang grupo sa mga minero.

Pinuri ng EastMinCom ang 29th IB sa kanilang operasyon, at pinasalamatan ang mga residente sa patuloy na pagbibigay ng impormasyon para tuluyang tapusin ang insurhensiya sa rehiyon.

More in National News

Latest News

To Top