Connect with us

Maximized visibility ng enforcers sa expressway, iminungkahi ng LTO

Maximized visibility ng enforcers sa expressway, iminungkahi ng LTO

National News

Maximized visibility ng enforcers sa expressway, iminungkahi ng LTO

Ninanais ng Land Transportation Office (LTO) ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga speed limit at iba pang mga panuntunang pangkaligtasan sa lahat ng expressway.

Mungkahi ng ahensya, mainam na magkaroon na ng “maximized visibility” ng mga deputized enforcer sa mga expressway upang maiwasan ang overspeeding.

Bukod sa pagpapalakas ng kanilang presensya, binigyang-diin din ng LTO ang pangangailangan para sa aktibong pagmamanman at agarang pagtugon sa mga driver na lumalabag sa batas pangkaligtasan sa kalsada.

Batay sa datos ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), mahigit 31K na aksidente sa kalsada ang naitala noong taong 2024 at 13% rito ay naganap sa mga expressway.

More in National News

Latest News

To Top