National News
May 9 General Election, pinakamahalagang survey – BBM camp
Malaking bagay ang pre- election surveys para kay frontrunner presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice presidential candidate Mayor ‘Inday’sara Duterte.
Ito ang inihayag ni BBM Spokesperson Att. Vic Rodriguez sa panayam ng Sonshine Radio.
“So, malaking bagay, makakatulong but uulitin ko nga ito ay survey pa lamang ang pinaka-mahalagan survey ay sa May 9, 2022,” ani Rodriguez.
Sa kabila nito, sinabi ni Atty. Vic na ang mga survey na ito ay nagpapahiwatig na mas maraming botante ang mas pinipili ang tambalan ni BBM at Inday.
Umaasa naman ang kampo ni BBM na magtuloy-tuloy na ang pagtaas ng rating ni BBM sa mga survey.
Saad naman ni Atty. Vic na hindi pa rin sila magpapaka-kampante kahit nangunguna na sa survey base na rin sa tagubilin ni BBM.
Dagdag pa ni Atty. Rodriguez na hindi manghihimagod ang koponan ni BBM dahil nakikita nila ang kasigasigan ng kanilang lider.
