National News
May ari ng barkong lumubog sa Mindoro noong 2023 atbp, pinakakasuhan na ng DOJ
Pinasasampahan na ng Department of Justice (DOJ) ng kasong kriminal ang may-ari ng barkong M/T Princess Empress na lumubog sa karagatan ng Oriental Mindoro noong February 2023.
Ang rekomendasyon ng DOJ ay ibinatay sa kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI)-Environmental Crime Division at ng alkalde ng Pola Oriental Mindoro na si Jennifer Cruz.
Bukod sa may-ari ng naturang barko ng RDC Reield Marines Services Incorporated ay kabilang din sa pinakakasuhan ng patung-patong na mga kasong kriminal ang mga corporate officers, ilang empleyado, 19 na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at 2 opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA).
Ang paglubog ng MT Princess Empress ay nagdulot ng pagkasira ng kalikasan o karagatan sa naturang lalawigan kaya nawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda doon.
Maliban sa Oriental Mindoro, naapektuhan din ng oil spill ang Marinduque, Batangas, Occidental Mindoro, Palawan at Antique.
