Connect with us

May-ari ng sasakyang nakasagasa sa security guard sa Mandaluyong, no show sa pagdinig ng LTO

May-ari ng sasakyang nakasagasa sa security guard sa Mandaluyong, no show sa pagdinig ng LTO

National News

May-ari ng sasakyang nakasagasa sa security guard sa Mandaluyong, no show sa pagdinig ng LTO

Hindi sumipot ang may-ari ng sasakyang sangkot sa paghit-and run sa isang security guard sa Mandaluyong City sa itinakdang pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) ngayong araw, Hunyo 7, 2022.

Ito ay sa kabila ng inilabas na show cause order ng intelligence and investigation unit ng ahensya laban sa motorista.

Dahil dito, maglalabas ang LTO ng ikalawa at final show cause order laban sa motorista para dumalo sa pagdinig.

Itinakda naman ang susunod na hearing kaugnay sa insidente sa Hunyo 10, ala 1 ng hapon.

Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na frustrated murder at abandonment of one’s victim ang mga kasong haharapin ng driver ng SUV na nakasagasa sa sekyu noong linggo.

Samantala, posible namang maharap sa kasong obstruction of justice ang mga security guard ng subdibisyon kung saan nakatira ang driver ng SUV na bumangga sa security guard sa Mandaluyong.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nahahadlangan ng mga security guard ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Dalawang beses na aniyang nagtangka ang mga pulis na makapasok sa isang subdibisyon sa Ayala Heights, Old Balara, Quezon City pero hindi sila pinayagan ng mga security guard.

Kasabay nito, hinimok ni Fajardo ang driver ng SUV na sumuko na sa mga awtoridad.

Tinitingnan na rin ng PNP ang background ng driver ng SUV upang malaman kung may kinasangkutan na itong kaso o may koneksyon sa mga awtoridad.

More in National News

Latest News

To Top