Connect with us

Maynila, nakapagtala ng 5 nasawi dahil sa pananalasa ng Habagat, Carina

Maynila, nakapagtala ng 5 nasawi dahil sa pananalasa ng Habagat, Carina

Metro News

Maynila, nakapagtala ng 5 nasawi dahil sa pananalasa ng Habagat, Carina

Ikinasawi ng 5 indibidwal sa Maynila ang walang-humpay na ulan at pagbaha dahil sa pananalasa ng Bagyong Carina at Habagat nitong nakalipas na mga araw.

Ayon kay Manila Public Information Office Head at Spokesperson Atty. Princess Abante, nasawi ang mga ito dahil sa kuryente at pagkalunod.

Wala namang naitalang nasugatan.

Samantala, humupa na ang pag-ulan at mga pagbaha sa lungsod at madadaanan na ang mga pangunahing kalsada.

Ilan sa mga binaha ng todo ay ang Quezon Blvd. underpass, sa may bahagi ng Quiapo kung saan nagmistulang dagat o maruming swimming pool.

Maging ang Lagusnilad sa harap ng Manila City Hall ay binaha rin.

Passable na rin ang Espana Blvd., Vicente Cruz, Recto at iba pang kalsada.

Ayon sa Manila LGU, nasa mahigit 4,000 pamilya ang apektado at dinala sa mga evacuation centers dahil sa kalamidad

May isang barangay ang talagang nalubog sa baha, ito ay sa bahagi ng Damka, Old Sta. Mesa.

70 percent ng mga residente dito ay nanatiling nasa evacuation centers pa.

Matindi ang tama sa kanila ng mga pag-ulan dahil malapit ito sa dagat.

Sinimulan na rin ang paglilinis ang DPS o ang Department of Public Services.

May be an image of 5 people

Sinimulan na rin ng LGU ang pamamahagi ng ayuda sa mga nasalanta ng habagat at bagyo.

Ang mga pinakaapektadong pamilya ay bibigyan ng LGU ng P10, 000 na financial assistance habang ang slight affected ay mayroong P3, 000.

Mayroon ding mga food boxes para sa mga nasalanta.

May be an image of 6 people

 

More in Metro News

Latest News

To Top